Province of Occidental Mindoro • Municipality of Magsaysay
Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office
"Proactive. Prepared. Responsive." We are first line of defense for every Magsayeño in face of danger.
Ang aming mga serbisyo ay nakatuon sa proteksyon ng buhay at ari-arian ng bawat residente ng Magsaysay.
Timely dissemination of warnings and advisories to community before disasters strike.
Trained personnel ready to respond to emergencies and conduct rescue operations.
Capacity building programs to enhance community disaster preparedness and resilience.
The principles that guide our actions and decisions.
Serve with empathy and genuine care.
Honesty and accountability in operations.
Pursue continuous improvement.
Power of partnerships and collective action.
Ang apat na haligi ng Philippine Disaster Risk Reduction and Management system na aming sinusunod upang masiguro ang kaligtasan ng bawat Mamamayan ng Magsaysay.
Pag-iwas at pagpapababa ng epekto ng mga panganib at sakuna sa komunidad sa pamamagitan ng hazard mapping at early warning systems.
Pagpapalawak ng kaalaman at kapasidad ng komunidad bago pa man tumama ang sakuna tulad ng mga earthquake drills at community trainings.
Mabilis na pagtugon sa panahon ng sakuna kabilang ang search and rescue, evacuation management, at pamamahagi ng relief goods.
Pagsasaayos at pagbangon ng komunidad matapos ang sakuna upang maibalik sa normal ang pamumuhay at imprastraktura ng bayan.
Weather Monitoring According to Operation's Personnel
Magsaysay Occidental Mindoro — OpCen Personnel
Loading video feed...
Heat Index
Loading...
Loading...
Loading...
Loading...
Loading...
Loading...
Loading...
Interactive map displaying evacuation signages, water levels, and hazard prone areas.
Mga susing tao sa likod ng MDRRMO Magsaysay.
Primary evacuation center. Capacity for 500 families.
Large open space. Can accommodate up to 1000 families.
Large open space. Can accommodate up to 1000 families.
Command center for disaster operations.
Secondary evacuation center with multiple classrooms.
Secondary evacuation center for temporary shelter.
Mga mahahalagang gamit na dapat ihanda bago pa man dumating ang sakuna. I-click ang mga items sa ibaba upang malaman kung bakit.
1 galon kada tao (para sa 3 araw)
Canned goods, biskwit, & ready-to-eat
Gamot, bandages, alcohol, mask
Flashlight, powerbank & extra batteries
IDs at mahalagang papel (nakaplastic)
Cash (barya) at pamalit na damit
Alamin ang mga tamang hakbang na dapat gawin kapag nangyari ang mga sumusunod na sakuna. Huwag mag-panic at sundin ang mga sumusunod.
Dumapa, magtago sa ilalim ng matibay na mesa, at kumapit nang mahigpit hanggang tumigil ang pagyanig.
Kapag tapos na ang lindol, lumabas ng gusali nang hindi nag-uunahan. Huwag gumamit ng elevator.
Lumayo sa mga puno, poste ng kuryente, at mga gusaling maaaring gumuho.
Kung nagliyab ang iyong damit, huminto, dumapa, at gumulong para mapatay ang apoy.
Umakyat paitaas ang usok, kaya gumapang palabas upang hindi makalanghap ng nakakalasong usok.
Kapag nakalabas na, huwag nang balikan ang mga naiwang gamit. Tumawag agad sa BFP o MDRRMO.
Laging i-monitor ang radyo o official Facebook page ng MDRRMO Magsaysay para sa mga public advisories.
Siguraduhing handa ang inyong Emergency Go-Bag, pagkain, at malinis na tubig na tatagal ng 3 araw.
Sundin ang pre-emptive evacuation order ng LGU lalo na kung nakatira sa flood o landslide-prone areas.
New chariot vehicles, Toyota Fortuner and Ambulance arrived at Magsaysay.
Newly installed Early Warning Signs into different Barangay's.
The local government of Magsaysay is active for giving relief goods.
Manatiling updated sa mga pinakabagong anunsyo at weather advisories mula sa aming opisina at mga pambansang ahensya ng gobyerno.
Maaari kang tumawag sa aming 24/7 hotline numbers: 0909 965 3531 o 911. Maaari mo ring gamitin ang aming online Emergency Report form sa ibaba ng website na ito upang direktang maipadala ang iyong lokasyon at detalye sa aming OpCen.
Mangyaring sumangguni sa aming "Evacuation Guide" section. Makikita mo doon ang listahan ng mga ligtas na pasilidad gaya ng Magsaysay Central School, Municipal Gym, at mga Barangay Hall. Maaari mo ring i-filter ang listahan base sa kategorya.
Bukas ang MDRRMO Magsaysay sa mga nais mag-volunteer! Magtungo lamang sa aming opisina sa J.P. Laurel St., Poblacion upang mag-fill out ng form, o mag-message sa aming Facebook page upang malaman ang schedule ng susunod na Community Disaster Training.

I-report ang iyong insidente dito at agad naming papuntahin ang rescue team.
Emergency? Tumawag sa 0909 965 3531 o 911
Ang bawat kamay ay mahalaga sa oras ng sakuna. Maging volunteer responder ngayon at tulungan ang bayan ng Magsaysay.